.comment-link {margin-left:.6em;}

Desert Adventure

. . . stories of adventures (and mis-adventures) in the land of the deserts . . .

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Wednesday, November 09, 2005

kaloka naman talaga!

hay naku, eto na naman ako at nababaliw na naman sa kalituhan! hmp, kasi feeling "pretty" na naman kaya hayan... i was supposed to post an entry earlier about something pero i got busy - ngayon di ko na maalala kung ano yung ipo-post ko sana! nakainom na naman ako ng "agua de kalimot" ha ha ha ... teka isip-isip...

aha! i remember, yung cupcakes pala! during the eid break, nothing much to do, so, yes, i tried (again) my hands on baking (kuno) and made cupcakes, actually it was supposed to be "nutella frosted cupcakes" a recipe i got from one of the food bloggers - ayan, i forgot the name! (hanapin ko ulit!) first try - oppsss, sumobra siguro ang init ng oven! di ako sure sa init ng oven ko eh! (he he he napaghahalatang di ginagamit ano?!) sabi ng recipe bake for 20 min. - so masunurin si ako - wait daw . . after 10 min. tingin ko siempre if cook na, with a toothpick daw inserted sa keyk, uyy, not yet - basa pa... so wait ulit - isip ko "ah siguro nga 20 min"... sindi ng yosi, hithit-buga . . naku at buti na lang tingnan ko ulit after 3 min. . . naka!! muntik ng maging deep dark chocolate cupcakes!!!! eh butter cupcakes lang siya ha ha ha... di ko nga piktsuran - 'kakahiya eh! pinatikim ko sa friend ko: sabi ko tikman mo yan (with matching panlalaki na mata yan ha)- medyo namula lang" . . . sa takot siguro ng mokong - kain nga tapos sabi: masarap NAMAN ah . . . di siya bitter - he he he ... (nakuha sa tingin!) pero sa totoo lang - masarap nga siya - di naman masyadong na sunog medyo tustado lang ng konti - sarap nga when after i cooled them off tikman ko yung isa - crunchy pa siya kasi medyo mainit-init pa.. tapos when it was all cooled down - di na siya crunchy pero tasty pa rin!

nov. 7, try ulit ako kasi madali na lang pala eh! this time bantayan ko daw ang oven... tapos as i was [literally] "watching the oven" i saw how it rose - galing - sayang wala yung camera - kunan ko sana (babaw ko talaga ano?!) buti na lang glass door yung oven kitang-kita ko sila sa loob.... ayun, so sa oven ko 10min. lang, this time i took photo of the cupcakes - yabang na eh kasi maganda na siya.. . . . (pa'no ko nga ba ia-attach ito ulit????)

now, who will eat all these cupcakes? mag-isa lang ako? ah i wrapped few pieces and went over to my friend's niece who lives nearby - gave some to them - hey she even called to say na masarap yung cupcakes ko! mas masarap pa daw kesa don sa spinney's na cupcakes...o di ba, galing mambola! sabi ko "hamo sa susunod pag nag try ako ng ibang recipe eh dadalhan ulit kita"....tapos some i gave to the indian guys sa may grocery store down our building... sarap naman daw... eto yung mga guys na kabiruan ko while waiting for my ride to office - mababait sila and sila yung lagi kong pinapadalhan ng whatever i will try to cook - mga food tasters ko baga! ha ha ha . . .

ayun lang . . . ang kwento ng "kapkeyk" ... bow

0 Comments:

Post a Comment

<< Home