.comment-link {margin-left:.6em;}

Desert Adventure

. . . stories of adventures (and mis-adventures) in the land of the deserts . . .

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Wednesday, January 25, 2006

ibang lahi daw ! :)

kanina pa rin ito. naglalakad ako sa bur dubai na - galing sa bangko - papunta ulit ng bus stop. me nagtanong na naman...

"miss - where is the bus stop going to gulf news?" gusto kong humagikgik... pero kabayan (tatlo sila) yung nagtanong eh! sabi ko na lang: ah doon yon - in tagalog ha... pointing to the bus stop/waiting shed in front of the shoe mart (no not the SM that we have pero dept store din ito!)

sabi nila: ay kabayan pala! kala namin ibang lahi po kayo eh! (uy palakpak tenga naman daw ako!) pero di ko na tinanong kung anong lahi akala nila ako kasi baka di ko pa magustuhan sagot nila eh masapak ko pa sila! joke lang po! he he he he... ayun tsika tsika - looking for a job din daw sila... guys din... tapos binigyan ko sila ng ilang phone numbers ng alam kong me opening sabi ko subukan nila baka meron pa.. oo daw...

tapos on that same stop, meron din babae naman... ikot ikot kabayan din (me payong eh! ha ha ha!) after hearing me answer my fone in taygalog - nagtanong din: miss to me: "miss where is the bus going to capitol hotel?"....gusto kong sabihing nasa bus terminal pa, bakit?? smile na lang ako (kasi di ko rin alam noh! ha ha ha ...) sabi ko dito rin me bus na dadaan doon yata... saan ba daw yon? sabi ko : bakit balak mong lakarin? ilang stop ba daw? say ko: di ko alam pero sa right side siya along the way... blah-blah - ah okey daw... so all the while kala ko na get na niya yung binigay kong direction...

when the bus came, bus 9E, sakay ako kasi dadaan ito sa pupuntahan ko eh... sakay ang 3 pinoy, sabay tanong sa akin - magkano po ba hanggang gulf news... sabi ko 2 dirhams siguro kasi medyo malayo yon.. tanong din ng isa pang pinoy, eh sa satwa po magkano kaya? 1.50 dirhams lang... o di ba ginawa pa akong kunduktor daw!

dito kasi, pag-akyat mo ng bus, pay ka agad tapos pull ka ng ticket....walang konduktor saka me designated bus stops ang bawat bus... di pwedeng yung sigaw ka ng "para mama!" pagmalapit na yung stop mo - press ka ng ng buzzer - ihihinto na nung driver yung bus niya. pero always naman he would stop at every designated stop, pwera na lang kung punong puno na yung bus...

tapos gulat ako kasi si babae sakay din - sabi ko bus 9D siya eh! eh umandar na yung bus.. so quiet na lang ako.. nang malapit na doon sa pupuntahan niya i pressed the buzzer n told her to get down na, lakarin na lang niya kasi sa kabilang block pa yon... well i hope nakita niya yung hotel na palatandaan niya. sabi ko tahakin ng lang niya yung kalyeng yun diretso... sana nga di siya nagliko-liko pa!!!

btw: yung "gulf news" eh one of the leading newspaper dito sa uae... yung office nila -al nisr publishing - located sa may jumeirah area. at least tama yung sinakyang bus ng tatlo pinoy!!

not once na napagkamalan akong ibang lahi! di naman ako maputi, di rin ako blonde, di rin matangos ilong ko (pero di ako pango ha!) hay sana naman yung pag-akala nila ng ibang lahi eh - magandang lahi naman ... :)

1 Comments:

Blogger Francesca said...

oi, aleth, ginawa kang information center, ano bayan?
Minsan dito sa Nice, japanese naman, tnong sa akin saan yon bd de suisse, Nice. MALAY KO NOH!
sabi ko in english, tanong sa tourism office sa nxt door of the train station. AYAW! Hmp bahala siya, malay ko sa kanya! LOL

1:25 AM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home