.comment-link {margin-left:.6em;}

Desert Adventure

. . . stories of adventures (and mis-adventures) in the land of the deserts . . .

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Saturday, February 18, 2006

backache o "sign of old age" ?

ewan ko naman what happened to me yesterday! linis-linis lang ako sa mala-palasyo kong flat eh eto nadisgrasya pa ang likod ko! sa super "laki" nga siguro ng flat namin kaya ayan - isang galaw lang untog dito untog doon! :) yap, ganun kalaki balay namin dito... haaaaayyyy sa taas ng rent can't afford kami na magbayad ng AED.50,000/- for a one bedroom flat pa lang yun ha! just imagine sa x Pesos 14.50 na lang eh magkano na yun?!?!? (paki-compute nga po - ang galing ko sa math eh!) kaya tyaga na lang sa studio which is also a bit heavy in our pocket!!!

but anyways, ayun - yesterday nga - wala naman akong binubuhat na heavy, inuusog ko lang yung sofa bed, tapos nang tatayo na ako, araaayyyyy, ang balakang ko! .... napaupo na lang ako...anak ng tinola naman, maglalaba pa ako eh ayan, natengga na naman labahin ko...

nang gabi na dumating si flatmate, minasahe ako... ngee, ano ba daw ginawa ko at maga na??? hmmm... ehhh wala sabi ko (di ko sinabing binugbog ko ng fist ko ano! at baka di na ako masahihin!) so ayun massage, massage .. ay sarap ng life - sana laging ganito [isip ko lang naman :)] . . . tapos nilagyan pa niya ng hot compress kasi nga maga... tatawa-tawa... sabi ba naman.. : kasi ate - "matanda" ka na! sabay hagikgik... sagot ko: gusto mong matulog sa kalsada tonight? serious face....tawa pa rin siya - sabi niya ulit - dapat di ka na masyadong nagbubuhat ng mabibigat - fragile na yang buto mo! inom ka na lang lagi ng fresh milk... nge milk daw - pwede kape na lang?? :( pero kwidaw ka - look nga ako sa mirror - eeehhh... i aged a lot di na ako mukhang trenta y singko, mukha ng akong singkwenta y singko - eekkkk!!


di rin ako nakatulog last night, masakit kasi yung likod ko - hirap dumiretso ng higa.. di naman ako makasigaw at baka magising ang mga natutulog na.. hirap din bumiling-biling sa higaan... pero sige lang, "what to do yani"?

pero ulit sabi niya sa day-off niya full body massage niya ako! ha ha ha ... eh ang mahal magpamasahe sa spa dito ano! if you don't have kakilala sa spa.. mahina AED. 400-600/- bayad mo for one hour lang.... ehe ehe he he he he... eh siempre "Ate" ako sa balay, so alaga ako..... inggit ang pinsan ko siguro... pag nalaman niya...

di lang yon, give din daw niya ako ng full "facial" tapos sa next day-off niya ulit - o say mo...."moroccan bath!!!""" yippeeee - libre yon ha! (mukhang libre ba ako?!) imagine - laking savings nun if punta ka sa spa.... hmmmm..kelangan alagaan itong si flatmate... para alaga din tayo sa facial, massage at moroccan bath at whatever ek-ek they have sa spa nila! hmmm - dapat siguro mag hair color na rin sa day-off niya ha ha ha obvious bang nananamantala??

today naman, eto para akong si impong maria na di maka diretso ng tayo at masakit pa rin... pero siempre kelangan igalaw galaw di ba at baka pag di ko ginalaw eh lalong lumala...ako pa naman di pwedeng di kikilos sa bahay kahit na super laki ng mansyon namin - eto nga di ako kuntento sa hitsura ng mansyon namin eh - parang ang gulo-gulo ba, pero what can i do - di ko na kaya rent kasi nga wala pa rin me work...

nag lunch nga kami eh almost 4pm na matuk niyo yun? sabagay late breakfast naman kanina...dumating si friend ko from here din in satwa dumaan lang - tapos dinalhan ako ng food - kalderetang baka - luto ng BIL niya - sarap magluto nun! saka balaw - ayun - pero kokonti nga lang eh! balaw sa kanila, yun yung shrimps na super liit (kawawa nga eh!) tapos ginisa sa maraming kamatis, sibuyas, bawang tapos me sili (optional pag sa akin - yoko spicy eh!) i remember my lola cooking this with lots of tomatoes, pero di ko na ma recall kung ano tawag niya doon... at dahil busog pa kami... 8pm na di pa rin kami kumakain....

hay life in dubai is getting difficult and difficult.....until when i will be here - hindi ko alam... we'll see. pag nakuha ko na yung gratuity ko, na di naman kalakihan - bahala na ...






4 Comments:

Blogger HiPnCooLMoMMa said...

mali lang ang pusisyon mo nung iniurong mo sofa bed, kaya ganun.

10:10 AM  
Blogger aleth said...

yap you're right G, mali lang talaga position ko! defensive ano!pero ok na ako ngayon...i'm getting my daily massage from flatmate...shhhh... malapit na ngang makalahata eh! he he he ... konti na lang maga, so maybe end of this week she will do the full body massage daw..."free"! ohhh what a life he he he ... :)

7:50 PM  
Blogger Francesca said...

ay, aleth, wawa naman ikaw! exercise mo kaya ng boxing boxing sipa sipa, alam ni girlie yan.
Mind you nag massage parlor kmi ni lolo sa gran canaria for one hour, bayad kami 31 euros each, relax lang yon ha! nasa 2000 pesos total 4000 pesos kasi dalawa kami.
Then balik ako for massage likod ko, 21 euros 1300 pesos, pero proffesional reflexologist spanish lady ang gumawa. Gumaan likod ko. Bili ka ng voltaren tube, pamahid yan, yan ginamit ni spanish lady kaya nagaling likod ko.
I link kita, mama mia, wala ka pala sa link ko! bon journee

12:49 PM  
Blogger aleth said...

hay totoo yan madir! massage really makes you feel good! ok na me...tks ke flatmate.. he he he ...kaya gagala na me .....

12:55 PM  

Post a Comment

Links to this post:

Create a Link

<< Home