.comment-link {margin-left:.6em;}

Desert Adventure

. . . stories of adventures (and mis-adventures) in the land of the deserts . . .

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Wednesday, February 06, 2008

Subject: Nasali si Inday sa 1 vs 100 Part 8

I received this from a friend via email: funny... enjoy reading! :)

Umabot na sa puntong nasa halagang P10,000 na ang isang tanong. 4 na lang ang natitirang mob members at P414,000 ang laman ng prize pool.

Edu: Inday, 4 na lang ang mob members na naiiwan. Dalawang unbeatable, isang propesor ng Philosophy sa UP at may isa pang katulong ang natitira. (Napatingin si Edu sa floor director tilang di makapaniwala sa nabasa nya sa prompter).

Edu: Anyway, maaga pa lang ay naubos na ang iyong help pero parang hindi mo naman talaga kelangan ang mga yun. May 414,000 pesos ka nang naiipon. Ayaw mo pa bang kunin ang money? (gusto na atang tapusin ni Edu kasi lagi na lang syang napapadugo ni Inday).

Edu: Tandaan mo Inday, you have the option to walk out and take the money and leave the mob with nothing. So is it the money? or the mob? (pagod na si Edu sa kakasigaw ng money or the mob)

Inday: I’m enjoying this game so I’ll take the mob!!

Napa-hayyy na lang si Edu. Kinausap niya muna saglit ang director at naghanap sila ng mahirap na tanong.

Edu: Ok sige Inday, here’s your question worth P10,000. Para saang OS or Operating System ginawa ang Longhorn? Is it A, Linux? B, Mac or Macintosh?, or C, Windows? Mob members please key in your answer. Siguro Inday ay nakakita ka na ng computer diba? Meron sigurong PC yung amo mo sa bahay. Or baka nakagamit ka na nyan sa mga internet shop para mag-chat or mag-email.

Nakangisi lang si Inday habang pinapakinggan ang pag-explain ni Edu.

Edu: Yung OS or Operating System ay yung software na nagpapatakbo sa isang PC. Di ko alam kung nagegets mo mga pinagsasabi ko pero manghula ka na lang siguro since wala ka na ring help.

Inday: Ok. Let’s see if I can explain how I would arrive at my answer in a way that you could comprehend. I’m sure the answer is not letter B. Mac OS releases are usually codenamed after a wild cat such as Jaguar, Puma, Panther or the most recent major release of OS X, which is Leopard, which I incidentally have currently on my Macbook Pro.

Nagsisimula na namang dumugo ang ilong ni Doods.

Inday: I’m also sure that it’s not letter A which is Linux. The common Linux distribution right now are Fedora, SUSE, Mandriva and Ubuntu which is derived from Debian, a non-commercial distro. I even get to install Ubuntu in my master’s machine which is currently running a dual boot system side by side with Windows Vista.

Nagpakuha ng maraming tissue si Edu dahil umaagos na ang dugo sa ilong.

Inday: So that leaves me with letter C, Windows. Longhorn is the codename used for Windows Vista that was released early last year. My answer is letter C. (Sabay pindot ni Inday ang letter C).

Nagpakuha muna ng tubig si Edu bago tumuloy.

Edu: Ok, tignan na naten kung mauubos mo na ang mob members para matapos na ‘to. Ilan ba ang nagkamali? 1, 2, 3…! Nagulat si Edu nang may natira pa.

Edu: 3 ang nagkamali! Isa na lang ang natitira. Number 94, yung natitirang katulong. Grabe na ‘to ah. Napabagsak ng 2 katulong ang 99 na mob members.

Kinausap muna saglit ni Doods si number 94.

Edu: Number 94, ano po ang pangalan nila ma’am?

Number 94: Miriam po sir Edu, pero tawagin niyo na lang akong Manang gaya ng iba.

Nanlaki ang mga mata ni Inday nang napansin nyang si Manang pala ang natitirang mob member.

Inday: You!!! (Napatingin na lang kay Manang)

Manang: As Einstein once said, “Whoever undertakes to set himself up as a judge of Truth and Knowledge is shipwrecked by the laughter of the gods.”

BLAG!! Hinimatay si Edu sa kakulangan ng dugo. Di na alam kung paano ipagpapatuloy ang show kaya’t hinati na lang kanila Inday at Manang ang P444,000 na nalikom sa pool.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home