april 02 na... ilang tulog na lang ba? para yung mga bata ano? dati ganyan din magtanong ang anak ko - mama, ilang tulog na lang bago tayo magkita? ngayon she's all grown up and she can understand it when i say 2 weeks na lang.. or 1 month more.. ako naman ngayon ang nagbibilang ng "tulog" till the 15th! sabi ni inday "aba, ang mader excited na" - siempre pa kasi magkakasama na naman kami ng princess ko! she turned 10 years old last month, and for sure sa waiting lounge pa lang, ipapakwento na naman niya how she was born... favorite story nya iyon eh!
excited na rin siyang makasama ulit ang mga cousins niya at makita ang mga lolo at lola niya sa pinas... saang island ba daw kami magbabakasyon? dapat sana sa boracay with the oldies kaso puno ng tao doon at this time of the year - baka di ma enjoy ng oldies eh! so isip na lang sis ko ng ibang gimmick somewhere daw sa batangas... okey yun pwedeng kaming magpaiwan ng kidos pag nagustuhan nila yung lugar - at least madaling umuwi sa manila if ever na magkayayaan...
hayyy.. eto at nananaginip na yata ako - problema pa kasi eh ito lang naman: expired na work permit ko dito sa lupain ng buhangin at di pa nare-renew - yon lang naman and to think 12 days na lang - 14th kasi ang alis ko eh tapos dadaanan ko pa sa stopover ko ang anak ko. why o why? naku mahabang kwento iyon - later na lang iyon...
two weeks lang ang break nila from school so hopefully we could enjoy it to the fullest... will let you know and hopefully i would be knowing na by that time how to post pictures . . . he he he :)