.comment-link {margin-left:.6em;}

Desert Adventure

. . . stories of adventures (and mis-adventures) in the land of the deserts . . .

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Friday, February 24, 2006

pangtanggal pagod . .

na received ko ito sa email kanina, 'kakaaliw so i though of sharing this funny "anecdotes" para naman ma exercise ang facial muscles niyo... enjoy reading . .
note: ang lola sa france, nag enjoy sana kayo rin...
***********************************************

Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!
*********


Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Paramas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito (Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)
************

Host: Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!
************

Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!
************

Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sadagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?
************

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of thePhilippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!
************

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) ofAsia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!
************

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!
*************

Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!

no more aches!

after days of pain eto buhay na naman ako! meron pa ring sakit pero konti na lang. buti naman kasi i need to exit today - visa renewal, wala pa rin kasi akong residence visa.. so kelangan kong mag-exit...renew ni cuz yon sa saturday, ay sa bukas na pala rin yon. if she'll apply it first thing in the morning it would be released around 10am then if i can grab a seat pabalik to dubai i'll be back tomorrow (hopefully!) if not naman sa sunday na... wala eh - isa na rin ako sa mga "jet-setter" daw ha ha ha .. sa kish lang naman...

hay makikita ko na naman ang kish island at ang nawawalang "titanic"! he he he meron kasing barko dun na naging tourist attraction na nila... nag, anong tawag dun - run-aground? tapos di na mahatak palabas sa dagat daw.. or so the story goes... dahil mahal daw ang magagastos so ayun andun lang siya for how many years na... makahingi ng brochure nyon para makita niyo rin..

ay naku 1:30pm na pala, empake muna ako ng gamit ko.. me net din dun kaso ubos na yung oras mo di ka pa rin nakaka connect so - sa pagbabalik na lang ng beauty ko. ehek, me biglang umalma dito sa tabi ko -(ang kapal ko daw!)

siya, sige na muna at ma-a-salamah!

Saturday, February 18, 2006

backache o "sign of old age" ?

ewan ko naman what happened to me yesterday! linis-linis lang ako sa mala-palasyo kong flat eh eto nadisgrasya pa ang likod ko! sa super "laki" nga siguro ng flat namin kaya ayan - isang galaw lang untog dito untog doon! :) yap, ganun kalaki balay namin dito... haaaaayyyy sa taas ng rent can't afford kami na magbayad ng AED.50,000/- for a one bedroom flat pa lang yun ha! just imagine sa x Pesos 14.50 na lang eh magkano na yun?!?!? (paki-compute nga po - ang galing ko sa math eh!) kaya tyaga na lang sa studio which is also a bit heavy in our pocket!!!

but anyways, ayun - yesterday nga - wala naman akong binubuhat na heavy, inuusog ko lang yung sofa bed, tapos nang tatayo na ako, araaayyyyy, ang balakang ko! .... napaupo na lang ako...anak ng tinola naman, maglalaba pa ako eh ayan, natengga na naman labahin ko...

nang gabi na dumating si flatmate, minasahe ako... ngee, ano ba daw ginawa ko at maga na??? hmmm... ehhh wala sabi ko (di ko sinabing binugbog ko ng fist ko ano! at baka di na ako masahihin!) so ayun massage, massage .. ay sarap ng life - sana laging ganito [isip ko lang naman :)] . . . tapos nilagyan pa niya ng hot compress kasi nga maga... tatawa-tawa... sabi ba naman.. : kasi ate - "matanda" ka na! sabay hagikgik... sagot ko: gusto mong matulog sa kalsada tonight? serious face....tawa pa rin siya - sabi niya ulit - dapat di ka na masyadong nagbubuhat ng mabibigat - fragile na yang buto mo! inom ka na lang lagi ng fresh milk... nge milk daw - pwede kape na lang?? :( pero kwidaw ka - look nga ako sa mirror - eeehhh... i aged a lot di na ako mukhang trenta y singko, mukha ng akong singkwenta y singko - eekkkk!!


di rin ako nakatulog last night, masakit kasi yung likod ko - hirap dumiretso ng higa.. di naman ako makasigaw at baka magising ang mga natutulog na.. hirap din bumiling-biling sa higaan... pero sige lang, "what to do yani"?

pero ulit sabi niya sa day-off niya full body massage niya ako! ha ha ha ... eh ang mahal magpamasahe sa spa dito ano! if you don't have kakilala sa spa.. mahina AED. 400-600/- bayad mo for one hour lang.... ehe ehe he he he he... eh siempre "Ate" ako sa balay, so alaga ako..... inggit ang pinsan ko siguro... pag nalaman niya...

di lang yon, give din daw niya ako ng full "facial" tapos sa next day-off niya ulit - o say mo...."moroccan bath!!!""" yippeeee - libre yon ha! (mukhang libre ba ako?!) imagine - laking savings nun if punta ka sa spa.... hmmmm..kelangan alagaan itong si flatmate... para alaga din tayo sa facial, massage at moroccan bath at whatever ek-ek they have sa spa nila! hmmm - dapat siguro mag hair color na rin sa day-off niya ha ha ha obvious bang nananamantala??

today naman, eto para akong si impong maria na di maka diretso ng tayo at masakit pa rin... pero siempre kelangan igalaw galaw di ba at baka pag di ko ginalaw eh lalong lumala...ako pa naman di pwedeng di kikilos sa bahay kahit na super laki ng mansyon namin - eto nga di ako kuntento sa hitsura ng mansyon namin eh - parang ang gulo-gulo ba, pero what can i do - di ko na kaya rent kasi nga wala pa rin me work...

nag lunch nga kami eh almost 4pm na matuk niyo yun? sabagay late breakfast naman kanina...dumating si friend ko from here din in satwa dumaan lang - tapos dinalhan ako ng food - kalderetang baka - luto ng BIL niya - sarap magluto nun! saka balaw - ayun - pero kokonti nga lang eh! balaw sa kanila, yun yung shrimps na super liit (kawawa nga eh!) tapos ginisa sa maraming kamatis, sibuyas, bawang tapos me sili (optional pag sa akin - yoko spicy eh!) i remember my lola cooking this with lots of tomatoes, pero di ko na ma recall kung ano tawag niya doon... at dahil busog pa kami... 8pm na di pa rin kami kumakain....

hay life in dubai is getting difficult and difficult.....until when i will be here - hindi ko alam... we'll see. pag nakuha ko na yung gratuity ko, na di naman kalakihan - bahala na ...