it all started with a simple invitation to celebrate a birthday... on a quiet tuesday morning... then all went loose!!!! and came the birth of the so-named: “ops community” hehehehe :)
and what is the “ops community” ? well... actually it is the pinoy sa opisina (all 19 of them including those in ksa) who started emailing each other back and forth, replying, commenting, hehehe and yes you guessed it right – in between oras ng trabaho! very naughty group? no – very hard-working group pa nga eh... not that i am also one of them – kaya lang, being pinoy – laging maganda ang sense of humor – kahit na dagsa ang trabaho – kaya pa ring magbiro at daanin sa biro ang inis, sentimyemto de asukal at kung anu-ano pang di magandang pakiramdam sa trabaho at kapaligiran – kasama na ang nag-uusok na temperatura ng klima!
sa isang iglap, sa isang sandali – puno agad ang inbox ng bawat isa...naging masaya ang talakayan ng “ops” . . . kantiyawan, sabay tanong na rin ng trabaho, singit na patawa kadugtong pa rin ang tanong sa trabaho...ganun tayong mga pinoy – sa kabila ng paghihirap (ng loob) kayang-kaya pa ring magpatawa – kaya naman kinaiinggitan ng marami... lahat sa “ops” kalog – walang pikon – sabi nga, ang pikon – pangit! hahaha, at siempre walang papayag na tawaging pangit!!!! so lahat maganda, guwapo, mabait, etc, etc, etc... parang si yul bryner . . . .
and the talakayan even got it’s name or should i say a “title” - it became known to the “ops” as “jueves de gloria” – becoz jueves (thursday) is the big day. . that is the birthday of the celebrante .. let’s call him “bosing A” tsibugan, kantahan, etc, etc., etc.... after office hours and everybody is looking forward to that. nagkataon naman na yung may kaarawan is out of office after 10 am kaya laking gulat nang pagbalik niya tatlong pahina na ang kanyang inbox... “anong nangyayari” – tanong niya at tatawa-tawang sinagot ang isa sa mga sulat-elektroniya... lalong mabuhay ang talakayan at umaatigabong kantiyawan na naman ang nangyari – pati ang mga nasa ibayong lugar (ksa) nakikigulo sa talakayan at patuloy namang iniinggit ng mga “mababait” na nasa dubai.. hehehe. . . di sila makakasali sa kasayahang naghihintay pagkatapos ng trabaho!
dumaan ang miyerkoles....at dumating ang “grand day” ika nga.. ang dakilang “jueves de gloria” – di mapakali ang mga “mababait” – ang awditibo naman ng telepono ang di magkamaliw sa kaka-ring!!!! tanungan – “anong regalo natin”; sinong bibili; magkano ambagan? “anong oras daw”; sinong sasabay sa ‘kin –(yung me mga sasakyan)”; di magkamayaw – lahat excited!
ngayon lang nangyari ito na talagang di mapakali ang lahat sa darating ng jueves... dahil siguro kakaibang tao si bosing A - mabait na, guwapo pa!
sa wakas, patungo na sa “mansion” ni bosing A.... kantiyawan pa rin, ano daw ang mga tugtugin? o di ba – may kantahan talaga! pagdating sa pinto pa lang – humahalimuyak na amoy ng pagkain ang sumalubong sa amin... mhmmm ang bango – ang sarap – kain na tayo ! “hoy kanta muna tayo ng hapi bertdey” kumanta nga ang mga mababait – pero yung huling linya na lang ng hapi bertdey song – tom jones (gutom) na raw kasi sila – kami pala...hehehe.... it’s chow time .... walang imikan – tahimik bigla...galit-galit panumandali... nang medyo nakanguya na ng konti – umingay na naman... bilangan ng balik sa hapag-kainan... tanungan...natikman mo na yun? di pa – mamaya.. ay sarap ng inihaw... enge naman niyan – eh bakit sa plato ko ikaw kumukuha – kuha ka nga doon! eh malapit ka eh... sige kain, nguya, kantiyawan pa rin... walang gustong mauna sa pangmatamis (apat na klase ang matamis!) naloka ako – sa leche flan pa lang... hmmm litratuhan ang pagkain sa mesa at ipadala agad sa ksa !! hahaha ...ang babait talaga ng mga taga dubai – di nakalimutan ang mga nasa malayo.... na kahit man lang sa larawan makidiwang din sila!! hahahaha - - how thoughful - pero nunka – me motibong mang-inggit hehehe.. ang webcam i-on na.. para masaya...
di naglaon - isa isa nang humahagod sa pahina ng “libro de kanta” - as in “songbook”? kanya-kanya nang reserve at pila ng kanta nilang napili... nagkahiyaan pa nang konti – konti lang... sige na nga – anya ni bosing A – siya na ang nagpauna... haneppp palakpakan.. galing talaga ng boses ni bosing A !!! At nagkasunuran na ng hirit sa pagkanta – siempre pa di ako kasali doon – kase baka pag ako na ang kumanta nataranta pati langgam sa buhanginan !!! hahaha – baka ma-pulis pa kami!!! Kaya naman kuntento na ako na taga-palakpak na lang :) .... masama namang lahat kumakanta tapos walang pumapalakpak.
Intriga ba kayo kung bakit parang tagalog ang sulat ko? Simple lang ang kasagutan – sumisilip-silip rin po kasi dito yung kasama namin sa tanggapan na namamahala sa mga kagamitang pang-elektroniya at baka maintindihan pa kung ano yung pangyayari sa likod ng “jueves de gloria“ matigok kami lahat sa opisina! hehehe.... teka para yatang me mali dito sa keyboard ko..(o ako lang talaga me diprensya sa pagmamakinilya?)
magpagayunpaman.. (huh ang haba!) lahat nasiyahan sa pagdiriwang ng kaarawan ni bosing A - lahat din me pabaon pa :) maaga ring natapos at nagsiuwian na ang iba.. ngunit may mga dumating pa rin na ibang kaibigan ni bosing A....
natapos nang masaya ang “jueves de gloria” ni bosing A.
ano naman kaya ang magiging pakulo sa susunod na buwan ?
abangan ang kasunod na kabanata !!!!