.comment-link {margin-left:.6em;}

Desert Adventure

. . . stories of adventures (and mis-adventures) in the land of the deserts . . .

Name:
Location: Dubai, United Arab Emirates

a daughter, a sister, a mother, a friend ...

Tuesday, March 29, 2005

ang Ralph na Blue

I was online chatting with my sis, blah, blah, blahs till we reach a point where we were discussing about perfumes etc... bilin daw ni bunso Ralph Blue at siya naman daw eh Carolina Herrera - CHIC, yun lang daw! whew, buti na lang at yon lang... pero teka ano ito?? asus ang aming bagong graduate na cousin - mobile na may camera na lang daw ang sa kanya! ehek... let me see . . ok lang daw kahit 6600 (di ba lumang model na iyon?) o siya, siya - maghahanap pa ako ngayon ng mobile na may camera... as in di naman kasi ako mahilig sa cell phones na maraming features - gusto ko lang simpleng gamit, maka-receive ng call, makatawag at maka text - ganoon lang ako kababaw eh!

si inday...

Si inday friend ko, mabait siya, matulungin at kenkoy din. Inday tawag ko sa kanya kasi she is from cebu, may tawag din siya sa akin "mamu" ewan ko if this is a visayan term of endearment or what, pero ok lang kasi whenever she calls me with this name eh with respect naman (daw?) today, may dala si inday na biko - luto daw niya - masarap magluto si inday (may lahing intsik kasi) at meron ding arroz caldo (congee)... what a concidence kasi i just finished reading yong post ni thess (green mansion) her about congee and siempre natakam naman daw (galing kasi pati photo eh!), so when inday told me meron syang dalang congee eh di sumimple naman daw ako sa pantry at nilantakan ang dala ni inday...he he he buti na lang at marami-rami ang dala kasi halos maubos ko daw?! :) (salbahe talaga ako 'no - fault ni thess iyan - sarap ng postings niya eh! . . :))

Sunday, March 27, 2005

Ang kaso ni Merlita

Natapos ko pa lang basahin yung ilang pahina ng mga pahayag ni Merlita ukol sa kaso niya... ayokong isiping judgemental ako pero - sa wari ko planado ng dakila niyang asawa ang mga sumunod pang eksena sa buhay ni Merlita. Doon sa email niya sinabi niya kay Merlita na may girlfriend na siya - so pihado ako na matagal ng balak niyang gawin ito kay Merlita ... dahil din sa pagmamahal ay naging sunod-sunuran ang ating kabaro sa lahat ng sinabi at sasabihin ng asawa niya (bakit naman kasi tayong mga pinay pag nagmahal todo-todo eh!!! dapat siguro bawasan nag konti at samahan ng konting tapang para magkaroon ng kahit na katiting ng takot ang mga kabiyak sa buhay!)

"orchestrated" (is that correct kaya? - baka magalit si mam sassy nito sa akin ah!) ang mga eksena di ba parang sa sine . . . polido ang pagkakagawa at tiyak ko may kasabwat iyan sa loob - paano daw yun na grant ang divorce eh absent si merlita at wala siyang kaalam alam sa mga pangyayari! unless, may pumupirma or nag-aapear sa court on her behalf ?? hmm possible, sino kaya? bayaran kaya ni dakilang asawa?

kung pwede daw na ganoon na lang ang pagdi divorce sa amerika aba dapat maalarma na ang mga kabaro natin doon! eh kung sa kanila mangyari iyon? or di man sa kanila sa iba pang mga nanay na di amerikana? bakit ganoon - napaka unfait naman yata ng dakilang lalaking iyon - possible pa ring i brain wash niya ang anak sa totoong pangyayari, di nga ba ayan at iba ang kwento niya sa mga magulang? na si merlita ang umalis ang nag-iwan sa kanila???

kawawa naman ang kalagayan ni merlita - sa katulad kong wala naman kilala sa amerika, panalangin na lang para kay merlita ang maiaalay ko... let's all pray for her - God will provide, sabi nga di ba.

Thursday, March 24, 2005

nakakaloka pala !?

ayan, naloloka na yata ako sa kakaikot dito sa pc ko! eh kasi naman si bosing ayaw magkulong muna sa opis niya eh! yesterday andoon lang siya - ngayon naman eh palabas - lasbas . . hmmp... di ko tuloy natutunan etong ginagawa ko.... ( ang salbahe ko ano?!)

Enticed (daw?)

This is my first post and I hope it would turn out well. PERO, una sa lahat "salamat" muna sa mga sumusunod:

* pinoycook
* kusina ni manang
* world class cuiscene
* main course
* francescainfrance

sa kaka -click click ko sa computer ko at kakahanap ng filipino recipes eh panibagong sangay naman ang natagpuan ko - ang blogging. marami -rami na rin akong balak i-try sa mga recipes na nabasa ko sa kanila, sa sobrang dami nga yata eh ni isa wala pa akong naluto! :) taka lang ako kasi kay francesca ako wala pang nabasa yatang recipe??? but then again, nabusog naman aketch sa kakatawa sa mga kakikayan niya! grabe di ba - ang saya-saya ng adventures niya!


Kaya eto, na-enganyo naman ako na mag-open ng blogsite (whatever) so read on. Ipagpaumanhin na lang po ninyo if ever na minsan ay purong tagalaog ang sulat ko kasi baka may makabasa na isipin na sensitibo ang nakasulat eh i-block ako sa site,.. he he he .. :)

Bigla naman, para yatang nawalan ng laman ang utak ko ( my mind went blank!) di ko na alam isusulat ko so habang hinihanap ko pa ang laman eh, paalam muna sa iyo, sa inyo at sa kanilang lahat.. muli... salamat !!