this morning while on my way to the bus stop, me nakasalubong ako. from a distant, wari ko pinoy - i was wearing my dark sunglasses so di niya alam na tinitingnan ko na siya while papalapit siya sa akin. when nagkasalubong na kami - sabi niya "kabayan" sagot ko: "oo?" then he started asking me questions na like: "saan ka nagtatrabaho?" gulat ako pero pa-simply lang: sabi ko on leave ako (pero sa totoo lang wala nga akong work pa noh!), then sabi niya on visit visa daw siya - before naka pagtrabaho siya pero part time lang daw (as ano - di ko na tinanong!) and more blah-blah, tapos sabi niya if ok lang daw hihingi siya ng kahit pang pamasahe man lang sa pag-aapply niya. first pumasok sa isip ko - ano ba 'to - bagong modus operandi? pero naawa naman ako sa kabayan (lalaki siya - randy raw name niya) - nagbigay naman ako kahit 20 dirhams lang (eh wala nga me pera ano?!) tapos tanong niya kung saan me nakatira ...ngee, kerbiyos na ko pero pasimple pa rin ako... siempre di ko sinabi where specifically ano! kasi para daw maibalik niya yung pera sa hapon. wonder ako? ba't agad niya ibabalik eh sabi niya wala siya work nga???? so sabi ko na lang, hayaan mo na yan, tutal bente lang naman - good luck na lang sa paghahanap mo ng work. i was walking on habol pa rin siya asking where i am going? ngii - sasama pa siya? sabi ko: sa friend ko sa bur dubai (di kaya niya napansin na nakalagpas na ako sa bus stop??? tawagan na lang daw niya ako sa gabi to return the money - ngee... sabi ko naman ulit - okey lang - wag mo nang intindihin iyan... then i started to walked away na sa kanya...
di ko man gustong mag-isip ng masama sa kabayan natin - di ko naiwasan. isa lang yan sa mga sangkaterbang kababayan natin na nandito sa dubai on visit visa - trying their luck. malaki din nag mga ibinayad nila sa mga pinagbilhan nila ng visa, tapos andito sila wandering around... merong swerte at nakakakuha agad ng work , meron namang di swerte at ilang visa renewal na wala pa rin. meron pa nga, civil engineer daw sila - and they paid so much, patapos ng yung visa ( 2 months) eh wala pa ring nangyayari... babae man o lalaki - ang dami ngayon. sabagay di lang pinoy, ibang lahi din...
pero kahit na sa dami ng nasa classified ads na work advertisements - dami pa ring naglipana na walang trabaho (he he he isa na ako dun! :) ) pero din ulit - visa naman ako ng pinsan ko kaya di malaki ang gastos - besides, me inaayos pa ako sa former company ko kasi . . .)
ganon na ba talaga katindi sa bayan natin? di ko naman pwedeng sisihin ang mga ito kasi nga looking din sila for a better future... tsk, tsk, tsk... pray ko talaga na bumuti na ang situation sa atin para naman wala nang ganitong nagyayari.. kasi kadalasan - kasunod nito eh mga panglalait na sa lahi natin... binabarat na sila in terms of salary - tapos yung trabaho eh talaga po namang sagad sagaran.. nakakalunos pero what to do yani????
gusto ko man ding sabihin kung saan ako nakatira at mapakain ko man lang siya kahit na sardinas lang, natakot ako - there was an incident sometime ago - ewan kung nabalita sa atin - a guy on a visit visa na pinatay yung me ari ng bahay ng tinutuluyan niya and seriously injured yung isa pa. it happened in al ain - one of the emirates dito sa uae. siguro in desperation at di agad makakita ng trabaho kaya ganon. ang masaklap eh kaibigan pa niya yung pinatay niya! ewan din kung nakita na siya at nahuli na... di nga yun na dyaryo dito pero kasi me kakilala kami from al ain na kilala yung biktima kaya namin nalaman... ang hinuli yung nag-visa sa kanya - poor guy pati siya nadamay tuloy.
moreso doon sa kish island sa iran. doon kasi nag eexit yung naka-visit visa pag nag expire na yung visa nila at doon na lang nahihintay ng new visa. kaso yung iba na-onse na sila ng mga "kakilala" daw nila dito sa dubai at kinalimutan na sila. noong nag exit din ako doon, me mga nakilala ko and talaga po namang kakalunos sitwasyon nila! kung pwede ko nga lang silang bisahan lahat ano!!! iba more than fifteen days na daw dun - meaning they have to present theirselves sa immigration dept doon at mag-extend ng visa nila doon. supposedly wala namang bayad ang mag-stay doon ng ten days pero after ten days dapat mag extend ka na tapos pay ka ng ewan kung magkano pa.. tapos yung hotel pa. - dapat me 300 dirhams deposit ka ulit. eh saan naman kamay nila kukunin iyon? meron daw iba natutulog na lang sa beach - ang ginaw-ginaw duun ano?! yung iba talagang nanghihingi na lang ng pagkain. kaawa talaga .... when me and my friend got our visas, yung food na baon namin iniwanan namiin dun sa mga kabayan natin dun.... pati na yung panadol na dala ko binigay ko na rin kasi merong may lagnat na wala man lang pambili ng gamot.
kaya, people reading this, request ko lang sa inyo - please let us all pray for our kabayans who are in this tight situation - that God may grant them the courage to move on, for good health, and for them to find jobs na.
yun lang request ko sa inyo.... salamat po!!!