linggo, a-sais ng disyembre... sinabihan ako ni bosing na me assignment daw ako.. busy pa ako that morning sa mga nakabuntun na dokumento sa la mesa ko. ask ko: anong assignment??.. sagot niya: sasamahan ko daw si ives magbili ng malaking christmas tree para sa abdelwahab restaurant ng ceo namin.... ngeekk.. bakit ako?!?!?! pero dahil sa mabait ako .. :D sige lang po (tutal parang lakwatsa na rin kasi dun daw kami punta sa dragonmart... uy! gusto ko rin iyon - malayo kasi yun - hirap puntahan kelangan talaga sasadyain mo pagpupunta ka dun.. so sige lang. kaso, abala din maghapon ang taga maneho nila .. so walang andar ng linggo - lunes na lang daw at agahan namin punta dun para ma set up na kaagad. ano ka?! eh ganun na naman ang istorya - hapon nang dumating ang driver nila - so - larga na kami mga bandang alas-kuatro na yon - eh susundo pa daw ng alas singko sa media city! aba dapat hintayin tayo ano - mahal ang pamasahe pauwi at sino magbubuhat aber?
in short nakarating sa dragonmart - ikot ikot .. mula ulo ng dragon inabot namin hanggang dulo - buntot na!!! aba.. ni anino ng christmas tree wala kami nakita??? unbelievable!?!?! di ba made in china karamihan ng christmas tree - eh bakit wala dito sa dragonmart?? dito kasi puro made in china ang products on sale dito - wholesale mostly pero nag re-retail din naman kasi nga madami ring gumagala-gala na tao na gustong bumili ng mura-murang gamit. kasi sakop ng free zone area ito kaya mura...
sakit ng paa ko sa kakalakad... hindi ko na kayang bumalik sa entrance sa "uluhan ng dragon"... buti me exit sa gilid .. call sa driver - hanapin kami tapos punta na lang kami sa mall.. hahaha dun din pala bagsak - sana sa karama na lang - me tawad pa! nagpaiwan na lang kami sa mall kasi nga susundo pa si driver... babalikan na lang daw kami later..
entonces nakabili kami ng puno at palamuti at ilaw na kumukutitap.. sa pagod hindi na namin kayang i-set up ang puno sa restaurant sa OTCI.. pinahatid na lang sa driver yung mga gamit at kabukasan na lang namin gawin., which we did naman..(kahapon nga). and sinama pa namin si jules ...
...at naitayo din namin .. :D fixing the trimmings ..
.. siempre sama na posing .. hehehehe ... ives with the staff ... eto na yong tree pero kulang pa trimmings niya .. simple lang kasi gusto ni charles para sa restaurant niya .. pero we still need to get him the wreaths para sa labas ng resto at trimming para sa bar area at reception area... hayyy .... mamaya after work .. ikot na naman kami ni ives .. wala pa naman kami driver .. :
Labels: happenings