thursday, nov. 10, i was invited to join an overnight camping sa hatta desert, tapos sand dune riding the following morning. (thursday and Friday nga pala ang week-end dito). i have nothing planned naman for the week-end meaning i didn't plan to do my laundry yet (which is btw the usual week-end activities of us ofw’s here). . . he he he!, so sabi ko sige sama ako. this is not the first time that my friend “tikoy” invited me - kasi nga lang before eh laging may conflict sa schedules. anyway, tanong ako, what shall i bring - aside from my empty stomach?? - wala daw kasi magdadala na raw tita niya... sabi ko dyahi naman join ako wala akong bitbit? (ba't kaya ang mga pinoy eh ganito ano - di makapunta ng walang bibit - kahit na ano lang kelangan may bitbit!) so pilit na "wala daw" di na ako nag-insist. after work ng thurs. di ako makatiis, sabi ko daan saglit sa spinney's may bibilin lang ako... so daan kami .. tapos doon i bought some stuff: seedless grapes, clementines (or mandarins?), fruit cocktail juice atbp... sabi ng friend ko :"ngeek, ang dami naman niyan - sabi ko ‘wag ka nang magdala eh!" - say ko naman " hiya ako eh" (pero deep inside sabi ko sa sarili - baka di ako pakainin ng bbq pag walang dala eh - takot palang magutom! ha ha ha...) i might have said this a little bit louder to myself - kasi sabi ni friend eh don't worry dami food doon! so ayun - i left those things sa sasakyan nila para di ko na bitbitin pa later. he said he will pick me up around 5pm daw - sabi ko di ba madilim-dilim na yon? ok lang daw! so hintay ako ng 5pm aba, naagnas na beauty ko wala pa sila, naku nakalimutan na yata ako! tingin me sa oras - 6pm na... so tawag ako sa kay tikoy "oy, asan na kayo?" sagot : "papunta na diyan" .. . so intay ulit ako.. finally dumating na sila - we met some more friends along the highway - then nag transfer ako, with buntis, doon sa bagong dating (si kuya em) from abu dhabi... (mas malaki sasakyan niya eh) na first time din sumama kasi gusto niyang matuto ng dune driving. convoy of 3 vehicles, nang malapit na sa venue - daan sa grocery, bili ng uling at sibuyas (ung nasa camp site na nag text na kinulang sila ng sibuyas!) saka more water, ice cubes, soft drinks, tapos sabi ko kay kuya em, pahiram muna ng money kasi nasa kabilang sasakyan yung wallet namin ni buntis.. sige lang daw - kuha kami ng pringles - sabi ni kuya "dagdagan mo na" uuyyy, dagdag naman kami ni buntis! he he he ... masunurin kami bah :) ! nang makarating sa bungad ng camp site, baba na naman at nagbawas ng hangin sa gulong - at siempre pa - what do i know about cars n gulong ano? so nood lang ako at taga flashlight lang baga! while they reduce the air - kasi daw pag puno or hard ang gulong – babaon sa buhangin - malalim - pag malambot ang gulong magaan lang ang dating sa buhangin madali i-drive ang sasakyan. take note, desert safari ito - so lahat ng vehicle eh 4x4 !!! so pasok na sa loob ng desyerto . . si buntis lipat ulit sa sasakyan ni "uncle ner" kasi bihasa na si uncle mag drive dito so alam na niya. mga ilang kilometro pa lang ayun na ang site! sabi ni kuya em, lapit lang pala nagbawas pa tayo ng hangin - sabi ko naman kasi dapat daw at pag nabalahaw ka eh manigas ka na! di ako magtutulak! ha ha ha... may mga 8-10 cars na doon at meron ng siga nang makalapit na kami - may litson baboy! yessiree! dalawang litson de leche tapos isang kambing! nakapalibot yung mga sasakayan doon sa litsunan, yung iba nakabukas ang ilaw at nakatutok doon.. salitan sila sa pag-ilaw till dumating yung may dala ng ilaw (hay! pasabit sabit yung mga ilaw - parang pista sa nayon!) so ayun, baba ng gamit, lagay ng food sa table set sa middle ng site, ipinosisyon ang mga sasakyan, latag ng plastic mat na super laki! lagay ng ibang foodstuff sa mat, lagay ng mga folding/camping chairs at wait for the litson to be cooked. we were introduced sa iba tapos si kuya em - nang dumating na si "tatay cris" pinakilala then binigyan na agad ng verbal lessons - tapos after eating daw titingnan yung car niya... si kuya hatitat nang mag drive sa buhangin, nang may dumating at nagpaikot ikot muna sa paligid ng kampo – pinanonood niya sabi niya “kaya ko siguro iyan!” - sabi ko sige ka pag nabalahaw ka bahala ka! he he he tinakot daw :] it took quite some time bago naluto ung litson i think it was almost midnight na, tapos, doon na nagdatingan yung iba pang sasakyan!! hala, parang "rat patrol" ( i remember noong maliit pa ako may palabas sa tv na rat patrol - americans vs. germans. ay for sure di ito alam nina girlie, marie, toni at dexie! ha ha ha!) ayun harurot ang mga sasakyan padating, ang galling-galing nga eh - kita mo na lang lumulundag from left and right! nasa may bungad lang ang site kaya di pa masyadong matataas ang dunes pero pag ahon ng mga sasakyan eh parang rat patrol talaga! tapos kantiyawan: sabi ng mga naglilitson: “ang lakas ng mga pang-amoy niyo – naamoy niyong luto na saka kayo nagdatingan, huling dumating huling kakain!” tawanan, biruan, more kantiyawan…dumating na rin yung isa pang may birthday, 2 pala silang may birthday kaya may litsunan blues... dala yung kalderetang kambing, sopas, apritadang manok, meron nagdala ng lumpiang shanghai, si tita dala naman ng pancit canton, tapos yung iba di ko na nakita kasi daling naubos eh!.... after singing the happy birthday song to the celebrants - may sumigaw ng: "attack" - sabay pabirong sinisigaw na: mamaya na speech gutom na kami!! so masunurin ang pinoy, attack na – ubos agad litson! everyone enjoyed the foods – hanapan pa nga ng disposable plates eh! lahat naman may dala – pero sa dami ng tao rin medyo muntik nang magkaubusan! the night was super lamig, imagine me kumakain tapos you can see my hands trembling kasi nga malamig ang hangin sa desyerto! di ko na makuhang uminom pa ng cold drinks, hanap na lang ako ng water na di malamig, buti na lang yung isang pack na binili ni kuya em eh di malamig – so iyon ang amin ni buntis! habang nagpapahinga after eating, in between the hithit n bugas ng yosi (maginaw eh!) binilang naming yung sasakyan… i counted 24 cars, sabi ni malot-sis ni tikoy, more pa daw kasi may lumabas saglit. daming kabayan - halos lahat ng sasakyan eh puno ng pasaheros nila…. friends and kabayans who wanted to experience the joy of sand dune riding…
it was a very festive mood and the kids enjoyed the night too! hah, libreng-libre maglaro sa buhangin, takbo dito, takbo doon, akyat sa mga dunes, tapos pagulong-gulong sila pababa...you can hear the laughter and giggles of the kids - na-miss ko tuloy anak ko! she loves the desert kasi! after eating, more kwentuhan, more kantiyawan, more tawanan tapos off to bed na yung kids at ilang ladies. bed means set-up tents, sleeping bags and thick kumot or as the others have – comforters!
yes mama, merong dalang comforter sa disyerto – only the filipinos??? no, no, no… ganyan din po ang ibang lahi (may kasamang ibang lahi!)… kasi naman po super ginaw talaga. eh dala ko lang sleeping bag, meron namang tent dala si tikoy doon kami ni malot, tapos sina uncle sa back of their cars na, so with tikoy n wife, n kuya em n friend... zipped up the bags, huh, ginaw pa rin with sweater na nga ako eh! si malot nakabaluktot ng husto! sabi ko hala bukas masakit ang tuhod mo niyan.. ha ha ha..
this group actually started as a family/friends get together every week-end (or whenever their schedules would permit - which most often than not eh - every week-end nga!) komo karamihan eh may 4x4 - so ayun, tinuruan yung iba at yung mga bago ng sand dune driving, hanggang friends invited friends invited friends and so on... in short lumaganap na. which is a good thing kasi sabi nga ni tatay cris eh "to strengthen the camaraderie among the filipinos". then they decided to set-up a club called "dubai offroaders" kaso mo ang akala ng iba na nakakakita sa kanila at nakakakita rin ng sticker nila eh " british group!" kaya naman, pinalitan nila ang pangalan to" "filipino off-roaders club" tama nga ba? - para daw may sariling identity ang pinoy! kelangan itayo ang sagisag ng Pilipino !!! uy ha, may sticker pa sila.. hiramin ko nga isa, i-scan ko tapos i-post ko para naman makita nyo... kakatuwa nga eh, majority of the group are from the visayas, original group are mostly from davao tulad ng friend kong sina tikoy. well more about this club later on..
sleeping time na muna so, sign off muna kami … ayayay! buhangin nga pero matigas sa likod!. . where’s my unan??? eeeehhh - no unan – I cannot sleep without unan! brrrrr. . . maginaw talagaaaa……. brrrrr. . . ZZZZzzzzzzzzzzzzz. . . . .